Thursday, April 29, 2021

thought content: T/C major depressive disorder with psychotic features 23F 2021 April

      Pinapahirapan ko lang sila mama at papa, pati yung mga kapitbahay namin. Stress na stress na sila sa akin, dahil sa mga pinaggagawa ko. Si mama nakailang pilit sa akin kanina para pumunta. Lagi kaming nag-aaway sa bahay kasi lagi ko siyang sinasabihang mag-pahinga pero ayaw niyalagi niya akong inaasikaso pati yung tindahan namin. Ako lang naman nagpapagulo sa utak ko. Lagi ko silang sinasabihan na ang payat niyo na, kumain nga kayo. Binabantayan ko lagi mga galaw nila. Kapag may konting ubo sina mama, sigaw agad ako na uminom nga kayo ng gamot para mawala ang ubo. Kapag wala sa sarili si papa, ayun nastress na naman sa akin, umiinom ng San Mig kahit alam namang bawal na siya dun. Lagi siyang stress sa amin ni mama kasi lagi kaming di magkasundo, ako pinipilit na may sakit pa ako, tapos siya/sila na magaling na ako.

Takot ako lumabas kasi ayoko marinig mga sasabihin nila tungkol sa akin pero kahit ganun naririnig ko naman lahat ayaw ko lang intindihin. Naguguluhan na din ako kung ano-ano na ang mga nagawa at ang mga epekto nito sa kanila. Ayoko pumasok kasi ayokong harapin ang reality. Ayoko gumala ng gumala sa labas kahit lagi na ako inaaya ni mama kasi alam kong halos lahat ng tao ay kilala ako, pinagtatawanan at galit sila. Kung ano-ano kasi naiisip ko at nasasabi kila mama sa bahay.

Parang sarili ko lang iniisip ko, which is true kasi yun naman talaga ang nangyayari. Kaya ngayon hindi ko na alam kung paano ito haharapin. Ang gulo ng pamilya namin dahil sa akin. Lagi akong di mapakali, kaya nahawa na din parents ko sa akin. Di na sila makatulog ng matino tuwing gabi. Konting kalabog lang nagigising na sila. Lagi ko silang naaaway dahil dun, namumura, nasisigawa.

Gusto ko laging masaya lang kami, nanonood ng mga nakakatawang videos. Pero sila yung namomroblema araw-araw sa panggastos and budget for foods, bills, etc. Kapag nagtatanong na sila kung kailan ako papasok yan na nagsisimula na akong manginig, manlamig ang kamay at pagpawisan ng matindi. Ang dami kong dahilan para lang wag nila akong papasukin, sabi ko dito lang ako sa bahay, babantayan ko kayo, baka kung ano-ano nalang pag-awayan niyo, baka magkasakitan na naman kayo. Si papa Si mama yung sinisisi kung bakit ako nagkaganito pero AKO naman talaga ung puno’t dulo ng lahaT, Lagi akong seryoso, mainitin ang ulo, at nag-iisip ng kung ano-ano. Kung matino pa ba ako…. Lahat na lang pilit kong tinatakasan. Sinasabihan ko silang tanungin niyo yung mga tao sa paligid alam nila mga nagawa ko….. Sabi nila wag na lang daw intindihin at kalimutan na lang ang nakaraan at mag-focus sa present pero di ko naman magawa kasi patuloy kong tinatanong ang sarili ko kung ano ang mga nangyari.

Iniisip ko na kung ano tingin nila sa akin, totoo naman yun kaya din a ako gumagawa ng paraan para mapabutiang sarili ko, na hayaan na lang kung anong mangyayari sa akin, total ako naman may gawa ng lahat. Maraming nagsasabi na magpakatatag ka ikaw lang inaasahan ng mama at papa mo pero wala, sila lang naman nagtitiis sa akin, ayoko na istorbohin pa ang ibang tao, ayaw ko sila kausapin kasi pare-parehas naman ang sinasabi kong di ko alam ang mga nangyayari. Tinatakasan ko lahat kasi gusto kong makasama parents ko….. tapos ako pa may gana sisihin ang iba sa mga nangyayari sa akin. Basta lang akong salita ng salita pero di ko naman mapanindigan mga pinagsasabi ko. I know na yung ibang tao ay di kayang kunsintihin ang mga behaviors and actions ko kaya ang parents ko ang pinapahirapan ko. Ewan ko kung bakit ako naging ganito, lahat naman ng bagay na gusto ko nakukuha ko, basta’t may pangbili lang bibilhin na agad. Super materialistic ako na kapag di ko nakuha gusto ko ay magdadabog ako kaagad kay mama o papa. Walang contentment sa buhay, parents ko nagtitiis kahit sira-sira damit nila dahil inuuna ang mga needs. Nasa bahay man kaming lahat iba-iba naman pinagkakaabalahan kaya di din magkasundo. Ngayon ko lang narealize ang lahat ng mga yun. Kaya nagdadrama na naman ako nun sa bahay. Iiyak iyak di nagsasalita sa kanila kaya ayun nastress na naman sila sa akin.

Iniisip ko na imposible na talagang maging Masaya kaming tatlo, sa panaginip ko na lang nararanasan yun or sa imagination ko nalang. Sabi ni mama, Masaya ka ba na kasama mo kami? Sabi ko oo naman. Love na love ko kayo kahit ganito ako. Kuntento ka na sa ginagawa mo araw-araw? Kain, tulog, mag-isip ng kung ano-ano? Siyempre OO kasi kasama ko kayo. Minsan hindi kasi nakakasawa na lang na paulit-ulit na lang na wala na patutunguhan ang buhay ko. Laging nakaasa kina mama at papa, sila gumagawa ng paraan sa lahat. Ako? Wala asa sa ibang tao o sa kanila lagi. Reklamador na wala namang ambag sa lipunan. Daming regrets, pero wala na. Nabura na sa akin yung mga happy memories puro negative na lang naiisip ko lagi.

No comments: